Andrew, pinasok ang pagbebenta ng beauty products!

Andrew, pinasok ang pagbebenta ng beauty products!

February 3, 2023 @ 8:54 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa negosyong pinasok ay abala ngayon ang biyudong si Andrew Schimmer.

Ito’y buhat nang sumakabilang-buhay ang pinakasalang si Jho Rovero.

Andrew’s new business is hoped to keep his mind off thinking about his partner with whom he has two children.

Matatandaang tuluyan nang bumigay si Jho noong December 20 last year.

Halos isang taon ding nakaratay si Jho sa St. Luke’s Medical Center sa BGC makaràang magkaroon ng severe hypoxia at ma-cardiac arrest.

October 10 nang ma-discharge siya after almost a year of confinement pero muli siyang ibinalik sa ospital noong October 17 dahil sa excessive sodium content sa kanyang diet.

Ayon sa post ni Andrew sa Facebook nitong January 31, nami-miss daw niya ang pag-aalaga kay Jho.

Maging ang tinginan daw nilang dalawa ay nami-miss ni Andrew.

“But I know we’ll see each other again, my dear,” bahagi ng post niya.

Nilakipan ito ni Andrew na larawan nilang dalawa kuha sa hospital bed ni Jho as they looked at each other.

Sinamantala na rin ni Andrew ang pag-anunsyo sa kanyang mga online followers na kasalukuyan siyang nagbebenta ng mga beauty products.

Nagbitiw pa siya ng pangako kay Jho na, “I will make you proud!”

Lalong kinabiliban ng mga netizens ang diskarte ni Andrew para itaguyod ang kanilang dalawang anak.

Hindi nga naman karaniwang makakita ng totoong lalaki who’s into selling beauty products.

Marami rin ang nagpapayo kay Andrew na balikan na lang ang showbiz dahil tiyak na madali niyang maibebenta ang kanyang mga produkto sa mga female celebrities. Ronnie Carrasco III