Ang Bangkay, ipapasok sa Cannes!

Ang Bangkay, ipapasok sa Cannes!

May 16, 2022 @ 9:33 AM 1 month ago


Manila, Philippines- Bago pa nagsinula ang Red Carpet Premier Night sa EDSA Shangri-la Mall ng Vince Tanada’s Carlos Palanca Literary Contest Grand Prize Winner na “Ang Bangkay” ay isinisigaw na ang pagpasok nito sa prestihiyosong international film festival na Cannes.

Pero si direk Vince na rin ang nagsabi na wala pa pero on the process na ang pagsali ng critically-acclaimed movie sa iba’t-ibang international filmfest.

Ipalalabas daw muna sa mga international filmfest ang “Ang Bangkay” bago ipalabas sa Pilipinas.

It is a period film, slated in 1901, entirely shot in Nueva Ecija.

Si direk Vince ang bida ng pelikula bilang si Senior Segusmundo at katulong niya bilang pangalawang direktor si Bong Ramos.

Punong-pung ng twist and turn ang movie that will surely put the moviegoers at the edge of their seat.

Dark and mysterious ang movie na umiikot sa character ni Vince bilang isang embalsamador at sa kanyang meek and quirt na anak played by Vean. As usual ay mahusay si Mercedes bilang mayordoma ni Senior na matagal nang may pagmamahal sa kanyang amo.

As expected ay mahusay si Vince sa pelikula, both as an actor and as a director. Kasama rin sa pelikula ang mga theater and films actors like Johnrey Rivas; Vean Olmedo; JP Lopez, Lili Montelibano, Sarah Javier, at si Mercedes Cabral.

FYI lang, nanalo ang “Ang Bangkay” nu’ng 2012 sa Palanca. Ginawa itong play ni direk Vince na ipinalalabas tuwing summer.

And after 10 years of success ng “Ang Bangkay” bilang isang award winning play, finally ay pelikula na ito ngayon. JP Ignacio