ANG GRUPONG BOOMREAXX

ANG GRUPONG BOOMREAXX

September 1, 2022 @ 12:42 PM 3 weeks ago


KILALA ang Boomreaxx sa kanilang YouTube Channel na masayang nagbibigay ng reactions at commentaries sa bawat trailer ng mga series or movies.

Ang kwelang tropahan ng Boomreaxx ay sina Ms. Rachel Nicolas Pullon a.k.a. Mommy Rae at mga anak-anakan niyang sina Jeffrelu Jacquez Gorpido, Christian Rusty, Mharz Matt, Shem Bullen, John Rudolf Tolentino, Jeff Rivera, at kambal na Luigi & Gerald Trajano a.k.a. Ginger Beks.

Taong 2020 sa kasagsagan ng pandemya, sila ay nagsimula ng kanilang mga FB Live at YouTube Live programs hanggang sa pinagtagpo-tagpo ng tadhana sa on line program na Boomreaxx na sinusubaybayan at kinagigiliwan ng netizens.

Naitanong ko sa kanila kung mahirap ba or madali ang magbigay ng komentaryo at reaksyon?
Ayon kay Mommy Rae, “Hindi naman basta you just need to focus and understand lang talaga.”

Wika naman ni John Rudolf, “Could say yes, kasi para kang artist na need ng authenticity ng crafts mo, na ka set ang puso at isipan mo na mag bigay ng naayon na reaction sa series.”

Para naman kay Jeffrelu, “Of course, mahirap din kasi hindi naman pare-pareho ang opinion natin at reaksyon sa mga pinapanuod natin.”

Eto naman ang sagot ni Christian, “Mahirap siya lalo na kapag hindi mo nagustohan ang takbo ng kwento ang hirap magbigay ng negative comments kasi pinag hirapan nila iyon.”

Para naman kay Mharz Matt, “Hindi naman, kasi if you love what you are doing and focus ka sa pinapanood mo then makakapagbigay ka ng magandang reaction and commentary.”

Ayon naman sa kambal na Luigi at Gerald a.k.a Ginger Beks, “Siguro noong nag-umpisa kami ay mahirap kasi hindi iyon ang niche ng channel namin so natuwa lang kami kasi maraming natutuwa sa ginagawa namin. Kami kasi kung ano ang nararamdaman namin ay sinasabi namin in a nice way.”

Mapapanood silang lahat sa kanilang YouTube Channel (YTC) na Chikahan with Mommy Rae, Ginger Beks, Bigating Talkshow, at sa Boomreaxx.