ANG ‘PEPE…DEDE’ NI MOCHA

ANG ‘PEPE…DEDE’ NI MOCHA

August 9, 2018 @ 12:37 PM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

 

Kontrobersiyal na naman si Mocha Uson, ang assistant secretary ng Presidential Communications Office.

Binabatikos si Mocha ng mga senador dahil binaboy raw niya ang usapin sa Pederalismo sa paggawa ng jingle na sa tingin ng marami ay kabastusan.

“Ipepe, ipepe. Idede, idede. Ipede, pede, pede, pederalismo!” ang liriko ng awit.

Lalo raw itong lumaswa nang gawan pa ng sayaw ng bading na co-host niya na si Drew Olivar sa kanilang online ngame show.

Kung naglilinis-linisan ang mga nakapanood o nakarinig, malaswa nga para sa kanila ang jingle lalo’t nilagyan ng malisya ang salitang “pepe” na ibig sabihin ay puday sa bisaya o vagina sa Ingles.  Ang “dede” naman ay suso, dyoga o boobs o breast sa Ingles.

At kaya sa tingin nila ay malaswa, iyo’y dahil si Mocha ang nasa likod ng kontrobersiya.

Para sa mga kritiko ng Duterte administration, pangalan pa lang ni Mocha ay “malaswa” na.

Nalalaswaan sila sa pangalang Mocha na naging “Asec” ng Malakanyang sapagkat hindi nila matanggap na ang dating singer at hubadera ay nasa magandang pwesto sa gobyerno.

Tingin nila kay Mocha, mababang uri ng tao, walang alam at pan-dance floor lang.

Sa ganang akin, ibang klase si Mocha. Tagumpay siya sa kanyang larangan ngayon bilang isang social media expert.

Tagumpay na naman si Mocha sa kanyang layon na mapag-usapan ang Pederalismo.

Sinadya ni Mocha at ng kasamang si Olivar na gawin ang video para ito’y matalakay sa publiko dahil wala namang   sumeseryoso na malaman kung ano ba ang Pederalismo.

Dahil sa kontrobersiyang ito ni Mocha, ngayon ay napag-uusapan na ang Pederalismo.

Marami na tuloy ang nagkakainteres na malaman kung “anong klaseng animal” ba ito?

Nagawa na ni Mocha ang papel niya. Ngayon, nasa marurunong, magagaling, matatalino at naglilinis-linisang mambabatas na ang bola.

Kayo na ang magtuloy ng pagpapaliwanag sa amin ng Pederalismo, tutal naman ay kayo ang naniniwala sa sarili na mahuhusay riyan.

Pero sana nga, mapaniwala n’yo kami lalo’t alam namin na pulos lang kayo mga bolero! – SA KANTO’T SULOK NI NATS TABOY


  •  
  •  
  •  

Loading...