Ang probinsyano, mamamaalam na?

Ang probinsyano, mamamaalam na?

April 26, 2022 @ 6:20 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Kalat na ang balitang malapit nang mamaalam sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano.

As it is now, hihintayin lang daw matapos ang eleksyon at balik-taping na ang cast sa Ilocos.

Naabisuhan na rin daw ang mga artista roon na about to go na ang longest running teleserye ni Coco Martin, pero wala pa raw definite date kung kailan.

Balitang ang Darna ni Jane de Leon ang papalit sa time slot nito.

Hindi rin sure kung sa balik-taping sa Ilocos kukunan ang ending ng Ang Probinsyano.

Samantala, isa sa major cast member nitong si Lorna Tolentino ay naging at home na sa Ilocos.

Sa katunayan, she’s eyeing a property there.

Dahil feeling ni LT ay Ilocana siya, ineendorso niya ang Ako Ilocano party list.

Sobra raw adjusted ang aktres sa payapang buhay roon.

Maging ang ibang stars dòon ay nakabili ng property sa Ilocos. Ronnie Carrasco III