ANG SBMA AT MGA LGU

ANG SBMA AT MGA LGU

August 9, 2018 @ 12:18 PM 4 years ago


 

Noong August 1, 2018, sa isang simpleng salo-salo sa tanghalian ay mapalad tayo na maging kinatawan ni Mayor Jopet Inton ng bayan ng Hermosa, Bataan, upang tanggapin ang bahagi o share ng bayan mula sa SBMA.

Mismong ang SBMA Chairperson at Administrator na si Atty. Wilma ‘Amy’ T. Eisma ang nakaharap namin.

Bagama’t pwede naman na basta ipa-receive ang cheke representing the LGU share ay mas pinili ng butihing administrador na makipagkwentuhan din muna sa mga LGU representative hindi lamang para lalong mapalapit ang administradora sa mga lokal na opisyal kundi para rin magkaroon ng konsultasyon sa lahat ng bagay na maaaring    magtulong-tulongan

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng mga ipinarating ni Atty. Amy ang pag-amyenda sa Republic Act 7227, ang batas ng pagtatag ng SBMA at ang mga pagpapalakad at polisiya nito, kasama na ang pamamahagi sa mga lokal na pamahalaan na nakapaloob sa SBMA.

Si Atty. Amy ay tubong Olongapo City at kasama na sa team ni Sen. Richard Gordon noon pang 1993 bilang executive assistant.

Kaya masasabi natin na nasa puso at isip niya ito at sapat ang karanasan kung SBMA ang pag-uusapan.

Ipinamahagi ni Atty. Amy ang kabuuang P147 million sa 8 LGU.

Proportionate at sang­ayon sa RA 7227 ang hatian ng Olongapo City, at ng mga bayan ng Subic, San Marcelino, San Antonio at Castillejos ng Zambales at mga bayan ng Dinalupihan, Morong at Hermosa sa lalawigan naman ng Bataan.

Bukod pa rito, may mga naibahagi na rin na tulong ang SBMA sa mga nasalanta ng nakaraang sunod-sunod na bagyo.

Malaki ang ginagampanang papel ni Atty. Amy at ng SBMA sa pagsulong ng ekonomiya hindi lamang ng Central Luzon kundi ng buong bansa.

Acid test so to speak ang pag-amyenda ng batas upang maisagawa nila ang kanilang mga plano sa pag-asenso.

Ang walong LGU na sakop nito ay suportado si Atty. Amy para sa pag-unlad ng SBMA at mga nabanggit na katuwang na bayan at lalawigan. – SIBOL NI LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON