ANG SINDIKATO NINA ADAN BURIKI AT DODONG GASUL

 ANG SINDIKATO NINA ADAN BURIKI AT DODONG GASUL

August 1, 2018 @ 7:40 PM 4 years ago


Sa pagkakabuking ng Region 4A cops kamakailan sa petro pilferage sa Star Tollway, sa­na’y tuluyan nang mabura ang illegal activity ni ‘Dan Buriki.’

Matapos kasi ang ilang taong pamamayagpag,  nalansag ng mga tauhan ni R-4A director C/Supt. Edward Caranza ang sin­dikato ni ‘Dan.’

Ang mga tollway guard ay kasapakat din pala sa operas­yon ni ‘Dan’, ayon sa isinaga­wang imbestigasyon ng regio­nal probers.

Tinangka pa raw na suhulan ni ‘Dan’ ang kapulisan pero imbes na tanggapin ang nasa 100,000 bribe money, siya’y pinosasan at hinuli.

Ang modus ni ‘Dan’ ay ganito: Ang mga kasapakat na tan­ker truck driver ay kunwari masisiraan sa Star tollway  sa parte ng Batangas.

Pagkatapos  ay  reres­ponde ang isa pang truck na may dalang empty drums na pagsasalinan ng laman mula sa kunwari’y nasirang tanker.

Mantakin mong ang nina­nakaw pa palang petro products ng sindikato ni ‘Dan’ ay ang mamahaling jet fuel, ayon sa mga imbestigador.

Sana ay tuluyan nang putulin ni Gen. Caranza ang su­ngay nitong si ‘Dan’ para mahinto na ang malawakang pilferage ng petro products di­yan sa rehiyon

o0o

Diyan sa Makiling, Calamba, Laguna isang nagngangalang ‘Dodong Gasul’ ang notor­yus din daw sa pagnanakaw ng Liquified Petroleum pro­ducts.

Lantaran daw ang masamang gawain na ito ni ‘Dodong’, pero tila wa epek lang daw kay Calamba police chief Supt. Joselito de Sesto.

Bukod sa LPG, ang sindikato ni Dodong ay responsable rin daw sa pagnanakaw ng chemical paint products tulad ng IPA, ITAK AT SILENT.

Ang mga produktong ito ay kinukuha ni Dodong sa che­mical depots sa Pinamukan, Batangas City,  Bauan at  Calaca

Dapat sigurong makialam din si Calamba Mayor Timmy Chipeco dahil ang kanyang pangalan ay ginagamit daw ni Dodong sa kanyang masamang gawain.

Para sa kaalaman ni Gen. Caranza, ang kuta ni Dodong ay naroon lamang sa likod ng Yakult Factory sa nasabing lungsod. Aba’y hulihin mo na rin, sir, ‘yang pilferage activity ni Dodong.   – CHOKEPOINT NI BONG PADUA