Angara: Heritage sites na sinira ng lindol sa Norte, i-restore

Angara: Heritage sites na sinira ng lindol sa Norte, i-restore

August 1, 2022 @ 9:08 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Sonny Angara sa pambansang pamahalaan at local government units (LGUs) na kaagad inspeksiyunin at magsagawa ng restorasyon sa lahat ng heritage sites na nasira sanhi ng magnituye 7.3 lindol na tumama sa Abra upang matiyak ang preserbasyon nito.

Umabot na sa lima katao ang nasawi at mahigit 100 ang sugatan sanhi ng lindol na nagmula sa naturang lalawigan kaya’t maraming heritage sites bukod sa bahayan at imprastraktura ang nasira.

Partikular na natukoy na maraming nasirang historical sites sa Ilocos Region na tinukoy ng Department of Tourism ang mga sumusunod: Sta. Catalina de Alejandria Church, San Lorenzo Ruiz Shrine, Vigan Cathedral, Bantay Bell Tower, St. John the Baptist Church, at heritage houses tulad ng Syquia House sa Vigan City.

“It is heartbreaking to see the destruction caused by the earthquake. There should be no let-up in the effort to provide assistance to the families affected by the calamity, including the rebuilding of their homes so that they can return to their normal lives as early as possible,” ayon kay Angara.

Ayon kay Angara, kahit nagsasagawa ngayon ng relief at reconstruction sa lugar na sinalanta ng lindol, dapat kasabay ang pagkilos na isagawa upang protektahan ang historical structures upang hindi tuluyang masira.

“These historical sites are more than just landmarks and tourist attractions, but form part of our country’s rich culture and heritage,” ayon kay Angara.

Bilang pangunahing awtor ng Republic Act 10066 o ang National Cultural Heritage Act, sinabi ni Angara na mayroong endowment fund na puwedeng gamitin para sa restorasyon sa ilalim ng National Endowment for Culture and the Arts is provided underna nakatala sa Article XIV, Section 50 naturang batas.

Sinabi ni Angara na pinamamahalaan ito ng National Commission for Culture and the Arts sa isang special account sa Bureau of Treasury at eksklusibong magagamit sa implementasyon ng programa at proyektong pangkultura at sining.

“RA 10066 states that “all cultural properties declared as important cultural property may also receive government funding for its protection, conservation and restoration,” ayon kay Angara.

Nangako naman ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) has committed to rehabilitate the damagna magsasagawa ng rehablitastyon sa nasirtang historic sites at istruktura sa tulong ng LGUs at may-ari ng ari-arian.

Hinikayat din ni Angara ang private sector na tumulong hindi lamangs a relief and reconstruction kundi maging sa pagkukumpunin ng nasirang historical sites.

“These structures offer us a glimpse into the country’s past and should be preserved for future generations. The rehabilitation process should also take into consideration introducing improvements to make them up to code, if possible,” ayon kay Angara.

Instrumental ang ama ng mambabatas, si yumaong dating Senate President Edgardo Angara Sen. Angara sa pagsasabatas ng ilang landmark laws sa preserbassyon at promosyon ng ng kultura at sining kabilang ang RA 7536 o ang NCCA Law at National Museum Act. Ernie Reyes