Angara: Panukalang 2023 budget target mapirmahan PBBM sa kalagitnaan ng Disyembre

Angara: Panukalang 2023 budget target mapirmahan PBBM sa kalagitnaan ng Disyembre

September 12, 2022 @ 8:56 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Target na mapirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang 2023 budget sa kalagitnaan ng Disyembre, ayon kay Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara nitong weekend.

Sinabi ni Angara — pinuno ng Senate Committee on Finance — na nakatakdang maipasa ang 2023 budget bill sa katapusan ng Nobyembre, kasunod ng pagkumpleto ng plenary debates sa pagsisimula o kalagitnaan ng Nobyembre.

Nakatakdang simulang ang mga hearing ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Martes at tagret matapos sa kalagitnaan ng Oktubre.

“As to sectors we hope to continue strengthening the health sector and health system particularly PGH (Philippine General Hospital) — which lawmakers for the last few years have been increasing the funding proposed by the executive in the NEP,” pahayag ni Angara.

Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) for 2023, naglaan para sa University of the Philippines (UP) System ng P23.1 bilyon, mula sa P25.6 bilyong budget na inilaan para sa kasalukuyang taon.

Sakalw ng UP System budget ang PGH, na may nakalaang P5.412 bilyon, na mas mababa kumpara sa P6.302 bilyong natanggap ngayong 2022.

Sinabi ni Angara na tututukan ng mga mambabatas ang marginalized sectors na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng mga programa na naglalayon na makarekober ang ekonomiya.

Inilahad din ng senador na isusulong ang pagsuporta sa entrepreneurs sa pamamagitan ng credit programs, at dadagdagan ang training at skills programs para sa mga kabataan.

“These are a few initiatives we hope to work together to push going forward,” aniya pa.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman nitong nakaraang buwan na binuo ang P5.628 trilyong budget na kinokonsidera ang hinaharap at mga hamon, na may 4.9% increase mula ngayong 2022.

Pormal na isinumie ang proposed budget sa Kamara nitong Agosto. RNT/SA