Angara sa DOH: Magbigay ng update sa pamimigay ng Bayanihan 2 benefits sa health workers

Angara sa DOH: Magbigay ng update sa pamimigay ng Bayanihan 2 benefits sa health workers

March 13, 2021 @ 4:39 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Pinalalabas ni Senator Sonny Angara sa Department of Health (DOH) ang update sa pinamahaging benepisyo mula sa P82 milyong budget sa ilalim ng Bayanihan 2.

Sa kanyang liham kay  Health Secretary Francisco Duque III, hinahanapan niya ng update ang benepisyong katulad ng “COVID-19 special risk allowance”, probisyon sa kompensasyon sa lahat ng public at private health workers na nagka-COVID-19, life insurance, accommodation at pagkain, at iba pa.

“If possible, may we also the department’s comments on the matter,” saad pa ni Angara.

Sa ulat, ang bawat empleyado ay nakatakdang tumanggap ng P38,500 hanggang P18,500 halaga ng gift checks at P20,000 cash. RNT/FGDC