Angara sa DSWD, DOLE: Oil spill victims ayudahan

Angara sa DSWD, DOLE: Oil spill victims ayudahan

March 12, 2023 @ 10:05 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinakikilos kaagad ng Senado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay kaagad ng cash aid at emergency employment sa apektadong residente ng oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro noong nakaraang buwan sa lalong mabilis na panahon.

Inihayag ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance na maaaring gamitin ng DSWD ang P37 bilyong nakalaan sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSFIDC) upang ayudahan ang apektadong pamilya.

“Specifically, the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), that is part of the PSFIDC, can cover the situation in Oriental Mindoro based on the guidelines issued by the DSWD,” ayon kay Angara.

Kamakailan, lumubog ang MT Princess Empress sa karagatan na sakop ng Naujan, Oriental Mindoro na lubhang naapektuhan ang kabuhayan ng mamamayan, partikular ang mangingisda at sektor ng turismo.

“The AICS covers a broad set of beneficiaries who are in a state of active crisis or crisis situation and that is precisely what has befallen the residents of the nine municipalities of Oriental Mindoro with this massive environmental disaster,” paliwanag ni Angara.

“Most of the affected municipalities are coastal communities whose residents rely on fishing as their primary source of livelihood and with the suspension of all fishing activities there, the families are faced with uncertainty over how to put food on their tables. This is where government can step in with its programs on cash aid and emergency employment,” dagdag ng senador.

Isinailalim sa state of calamity ang 77 coastal villages sa Oriental Mindoro at base sa datos mula sa DSWD, umaabot sa mahigit-kumulang na 19,500 pamilya ang apektado ng oil spill.

Dahil dito, hinikayat ni Angara ang DSWD na pinamumunuan ni dating Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na pabilisin ang pag-download ng AICS funding sa apektadong pamilya upang makatulong sa pagbili ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, transportasyon at medical services.

“From the initial P20 billion proposed by Malacañang for the PSFIDC under the 2023 National Expenditure Program (NEP), Congress raised this amount by P17 billion to allow the DSWD to cover more disadvantaged Filipinos, who require temporary assistance immediately,” ayon kay Angara.

Bukod sa AICS , sinabi ni Angara na dapat magbigay din ng emergency employment ang DOLE sa apektadong pamilya sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Sa ilalim ng TUPAD, magtatagal ang emergency employment ng 10 hanggang 30 araw para sa displaced, unemployed at seasonal workers na apektado ng oil spill.

“Isa sa nakikita kong pwedeng trabaho na ibigay sa mga residente ng Oriental Mindoro ay ang paglinis ng nagkalat na langis sa lugar nila. Sa pamamagitan ng TUPAD, kikita na sila, makatutulong pa sa pagbabalik normal, hindi lang ng kani-kanilang pamumuhay kundi ng kanilang buong komunidad,” ayon kay Angara.

“Sa pamamagitan ng TUPAD, kikita na sila, makatutulong pa sa pagbabalik normal, hindi lang ng kani-kanilang pamumuhay kundi ng kanilang buong komunidad,” giit pa ng mambabatas.

Umabot sa P20.1 bilyon ang nakalaan sa TUPAD na nakatakda sa TUPAD/Government Internship Program ng DSWD. Ernie Reyes