Angara, Yap inatasang ayusin ang ‘di nakapagkasunduang probisyon sa 2021 nat’l budget

Angara, Yap inatasang ayusin ang ‘di nakapagkasunduang probisyon sa 2021 nat’l budget

December 1, 2020 @ 5:56 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inatasan ng bicameral conference committee sina Senator Sonny Angara at ACT-CIS party-list Representative Eric Yap na ayusin ang mga hindi napagkasunduang probisyon sa 2021 national budget.

“Both chairs of [the two] chambers’ [appropriations committees] were put to task in reconciling disagreeing provisions of [the] budget versions,” ayon kay Valenzuela City Representative Eric Martinez sa isang panayam.

Punto ni Yap na mas madali na ito dahil parehas isinusulong ng Kamara at Senado na paigitingin ang pagsugpo sa COVID-19 at pagtulong sa mga sinalanta ng mga nagdaang bagyo.

“Sa tingin ko hindi naman [madugo ang usapan]. Kasi wala naman ako nakitang irregularities. Ang nakikita ko yung mga MPVs na puwede i-convert into quarantine facilities and may mga nakita ako doon na hospital and school building,” giit ni Yap.

“Yung mga iba pa na road networks ay mga valid projects na yun lalong-lalo na yung mga Build, Build, Build,” aniya.

Dagdag pa nito na magdaragdag sila ng calamity fund.

“Itong calamity [funds] mapupunta ito sa mga per districts. Yung mga districts tulad ng Bulacan. Alam naman natin lubog na lubog yun,” saad nito.

“So kung may projects na mailalagay para di na po malaubog everytime binabaha, lalo na sa Cagayan, siguro yung mga distrito nila madadagdagan namin ng project kontra sa flooding,” ani Yap.

Siniguro rin ng mambabatas na walang “pork” ang naturang badyet.

Giit nito na ang pondo ay para sa mga kalsada at mga paaralan.

“Hopefully sa GAA mas matugunan pa po yung mga response natin sa COVID-19. So kung tatanungin niyo ako kung may pork yung budget, definitely I’m not for pork,” saad ni Yap. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...