ANGAT DAM BAHAGYANG TUMAAS ANG LEBEL NG TUBIG DULOT NI TYPHOON PAENG

ANGAT DAM BAHAGYANG TUMAAS ANG LEBEL NG TUBIG DULOT NI TYPHOON PAENG

November 3, 2022 @ 1:09 AM 1 month ago


Ayon kay Dr Sevillo David Jr., Executive Director ng NWRB o National Water Resources Board, umakyat ng 8 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam na umabot na sa 197.8 meters mula sa dating 189 meters matapos ang malakas na ulan sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan ng Bulacan at Rizal si Typhoon Paeng (Nalgae) nitong huling weekend ng October 2022.

 Nitong October 29, 2022 ay unang tumama si Paeng sa Virac, Catanduanes, sumunod sa Caramoan at Siruma sa Camarines Sur; sa Buenavista at Sariaya, Quezon; Santa Cruz, Marinduque; at sa Baliuag, Bulacan. Sa pagdaan nito sa pagitan ng Metro Manila at mga lalawigan ng Laguna at Rizal ay direktang nagbuhos ito ng tubig ulan sa Angat Dam, kaya may pagtaas ng level ng tubig.

Magandang balita ito sa mga nasa Greater Manila Area na umaasa ng tubig buhat sa Angat Dam, lalo na ngayong Kapaskuhan kung saan tumataas ang pangangailangan sa tubig dulot ng kaliwa’t kanang paghahanda para sa Pasko at Bagong Taon.

Ang malungkot lamang, malawak ang naging pinsalang iniwan ni Paeng sa ating bansa. Naapektihan nito ang 68 probinsiya, 620 cities at municipalities, at 5,466 Barangays.

Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 2.03 million indibidwal ang apektado ng bagyo at 618,817 pamilya, nasa 101 na ang nasawi pinakamarami sa Maguindanao, nasa 70 ang sugatan, at nasa 60 ang patuloy na pinaghahanap pa.

Bagamat gusto natin na mapanatiling mataas ang lebel ng tubig sa Angat Dam, hindi naman sana sa ganitong paraan na maraming buhay ang nasasayang at maraming kabuhayan ang nasisira.

Agad na tumugon ang Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary sa panawagan ng PCG TASK FORCE KALINGA para matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong #PaengPH.

Kahung-kahong donasyon ang dumating sa Coast Guard Base Farola na nagsisilbi bilang tanggapan ng mga relief supplies na ibibyahe ng mga barko, air asset, at land vehicle ng PCG.

Sa mga nais magpahatid ng donasyon, makipag-ugnayan lamang sa PCG Civil Relations Service gamit ang mga sumusunod na contact details:

E-mail: cgcrs2022@gmail.com.ph

Facebook: Coast Guard Civil Relations Service

Mobile: 0977-496-6811 / 0977-496-6810