Angat Pinas, Inc. inilunsad ni Robredo

Angat Pinas, Inc. inilunsad ni Robredo

July 1, 2022 @ 4:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inilunsad ni former Vice President Leni Robredo ang non-profit Angat Pinas, Inc. na magbibigay ng anti-poverty programs nitong Biyernes, sa una niyang  engagement bilang isang pribadong indibidwal.

Sinabi ni Robredo na ang corporate name ng entity ay Angat Pinas, Inc. dahil may nakakuha na ng Angat Buhay.

“It (Angat Pinas Inc.) was the one approved for our registration because there is already an Angat Buhay [entity] which last activity is 2003,” aniya.

“The approval of our corporate existence is already out so we can start our work. Our programs, however, we will still be called Angat Buhay,” dagdag ni Robredo.

“We are saddled with stunting, at pag ganoon, maaga napag-iiwanan ang mga bata. We will also continue community learning hubs, because we have learners already in Grade 5 and 6 but are still non-readers. We would need volunteer tutors for that.”

Ang napagbentahan ng lampas 900 artworks na ibinigay kay Robredo ng mga taga-suporta sa kanyang 2022 presidential campaign ang magsisilbing pondo ng Angat Buhay programs.

Maaari ring mag-donate ang mga taga-suporta sa pamamagitan ng Angat Buhay app mula sa halagang P1,000 hanggang P20,000.

“Hindi puwede mapunta sa wala iyong ating nasimulan. Inaasahan natin na lalo natin itong mapapaganda at mapapahusay,” sabi niya.

“The challenge is, how do we encourage the groups to be involved in programs that will help the community? Hindi iyon nakasalalay sa amin. Nakasalalay iyon sa ating lahat na ipakitang hindi tayo failure. Naging matagumpay tayo kasi we sparked the spirit of volunteerism,” dagdag niya.

Uupo si Robredo bilang isa sa Angat Pinas, Inc. board members at pamumunuan naman ito ni executive director Raffy Magno. RNT/SA