Angel, buntis na?

Angel, buntis na?

December 29, 2022 @ 12:43 PM 1 month ago


Manila, Philippines – At long last, Angel Locsin is making her presence felt.

‘Yun nga lang, nagparamdam ang aktres through Facebook pa lang.

On Instagram kasi’y mga litratong kuha pa sa baby shower ng anak ni Angelica Panganiban ang makikita.

But at least, her FB video posts were uploaded a week before Christmas.

Isa na roon ang pagluluto nila ng kapatid na si Ella ng spaghetti at lumpiang shanghai.

Meron ding kuha si Angel while endorsing a pharmaceutical company.

Still another post has Angel and husband Neil Arce standing beside a Christmas tree.

Mga twelve years old na raw ang Christmas tree na ‘yon, noon pang magkaibigan pa lang ang ngayo’y married couple na.

To spruce it up ay dinagdagan na lang nila ito ng mga ornaments.

May sentimental value raw ‘yon dahil it’s their first Christmas together as husband and wife.

Hindi naman nakalampas sa mga mapanuring netizens ang tila nadagdagang timbang ni Angel.

Mapapansing todo takip ng tiyan ang aktres.

Pati itim na pang-itaas ni Angel ay hindi rin nakaligtas, thus fueling speculations na baka nagdadalantao na si Angel.

Baka raw nagbunga ang mahabang bakasyon nila ni Neil sa Segovia, Spain.

Marami naman ang nagsasabing welcome development ito sa personal na aspeto ng buhay ni Angel.

It’s about time daw she got pregnant by Neil considering na ang mga close celebrity friends ng aktres ay isa-isang nagbubuntisan. Ronnie Carrasco III