Angel, inasar si Calida

Angel, inasar si Calida

August 1, 2020 @ 2:25 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isa si Angel Locsin sa local celebrities na todo ang pagsuporta para ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sobra rin siyang nalungkot na dahil sa desisyon ng Mababang Kapulungan na i-deny ang prangkisa ng nasabing network lalo pa’t maraming empleyado ng naturang kumpanya ang nawalan ng trabaho.

Sa ngayon, naniniwala pa rin ang aktres na sa tamang panahon ay maibabalik ang Dos sa pagbro-broadcast nito ng kanilang mga shows, mapa-public service man o entertainment.

Lately, hindi naman napigilan ni Angel na asarin si Solicitor General Calida sa kanyang bagong post.

Sa isa kasing report, lumalabas na sa datos ng Commission on Audit, si Calida ang ikalawa sa highest paid government official.

Ipinost pa niya sa kanyang wall ang report ng rappler na nagsasabing:

“Calida is now the 2nd highest paid government official

For 2019, the Solicitor General earns a total of P16.9 million mostly from additional compensation and honorarium. He is the first solicitor general in years to be in the top list.

May pang-aasar pa itong komentong: “Uy, congratulations.”

Matatandaang si Calida noon ang nagbabala sa National Telecommunications Commission na malamang na maharap sila sa kaso sakaling bigyan nila ng prangkisa ang ABS-CBN. Chikka Pa More|Archie Liao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...