Angel, may kaanak na prinsesa!

Angel, may kaanak na prinsesa!

July 22, 2021 @ 10:22 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hanggang maaari’y ayaw ipagyabang ni Angel Locsin na may dugong bughaw na nananalaytay sa kanyang mga ugat.

Related pala siya sa prinsesa sa Lanao del Sur sa Mindanao.

Sa pagkakaalam ng aktres ay in-adopt ng Marawi princess ang kanyang ina.

“Nu’ng ipinanganak ako, nag-reach out talaga sila sa pamilya kahit sabihin mong hindi naman mayaman ang pamilya ko,” sabi ni Angel.

Kapag may time daw siya ay binibisita niya ang kanyang Muslim relatives doon, “Talagang nakaabang sila sa pagdating ko.”

Hindi tuloy maiwasang masaktan si Angel kapag nakakarinig ng ‘di kagandahang balita lalo na tungkol sa pag-uugali ng mga kapatid nating Muslim, “Hindi kasi isyu sa kanila kung Kristiyano man ako. It’s not about religion. All they want to spread is love, not violence that’s why I get hurt when  some people misjudge them.”

No wonder kung bakit lumaking matulungin at compassionate si Angel sa kanyang kapwa regardless of their religious beliefs. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •