Angel, nag-emote sa patuloy na paglobo ng katawan kahit nagda-diet!

Angel, nag-emote sa patuloy na paglobo ng katawan kahit nagda-diet!

July 14, 2021 @ 7:19 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Last year noong maglabasan sa social media ang “paparazzi shots” kung saan lumobo ang katawan ni Angel Locsin, pero ni minsan ay hindi siya nagsalita kahit bina-bash siya dahil sa kanyang pangangatawan.

“Ano’ng sasabihin ko, ‘yung opinyon ko sa sarili ko? Eh, sa talaga namang mataba ako, tumaba ako,” pag-amin ng aktres.

Basta ang kanya, she doesn’t let those comments affect her. Sa katunayan, proud siya of how she looks, “Proud ako sa katawan na ito na maraming pinagdadaanan. Marami na rin ang na-achieve ng katawan na ito at marami pang maa-achieve. Kung wala ang katawang ito, walang Angel Locsin.”

Pero inamin niya na ina-address naman niya ang kanyang weight concern, “Hindi ito for vanity. Bonus na lang ‘yon. Ang concern ko talaga is my health.”

Ikinuwento ni Angel na tumaas daw ang kanyang blood pressure noong magpabakuna siya, “Ill say I’m a work in progress. Kung mataba man ako which I really am, hindi naman du’n nasusukat kung sino ako, kung ano ang pagkatao ko.”

We couldn’t disagree more. Iilan lang ang mga tulad ni Angel sa showbiz na maaasahan pagdating sa pagtulong sa ating mga kapus-palad na kababayan whenever they need help the most.

“I love myself. I appreciate myself. Hindi sa katawan ng tao nasusukat ang pagkatao niya.” Ronnie Carrasco III