Angel, nagparamdam na!

Angel, nagparamdam na!

November 17, 2022 @ 9:00 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – The long wait is over.

Nagparamdam na si Angel Locsin sa social media particularly on Facebook nitong November 16.

Posted was Angel’s photo with husband Neil Arce.

Pero kapansin-pansin na lumang larawan ang ginamit ng couple posted by Team Angel PH.

Kuha pa ‘yon sa defunct show ni Angel na Iba Yan kung saan si Neil ang direktor.

The old photo came with a caption: “Happy midweek. Spread love.”

May nakapansin din ng caption na: “Together forever.”

It was taken to mean na patunay ‘yon na sa kabila ng pananahimik nilang mag-asawa’y walang katotohaban ang mga ispekulasyon that the couple is going through some rough patch.

But take note, hindi mismong si Angel ang nag-post niyon kundi ang administrator ng nasabing Facebook page.

Even then, tiyak namang may basbas ‘yon mula kay Angel lalo pa’t good vibes naman ang hatid nito.

Nakapagtataka lang na year 2020 pa ang ipinost na photo ng admin.

Sa tagal at sa dami ng mga activities nina Angel at Neil sa Spain nang magkasama, ‘yun pang old photo ang pinayagan nilang i-post?

Nakakaintriga, ha?! Ronnie Carrasco III