Angel, pinagdududahang naglilihi!

Angel, pinagdududahang naglilihi!

April 29, 2022 @ 5:11 PM 2 months ago


Manila, Philippines – It’s a known fact that whatever Angel Locsin does is sure to create waves.

Tulad ng simpleng tweet niya na siguro para sa kanya ay wala lang o walang ibig ipakahulugan.

Nag-trending kasi ang simpleng tanong ni Angel ala survey: kwek- kwek, fish balls o isaw, ano’ng favorite n’yo?

Isang male netizen ang sumagot na wala sa mga nabanggit ang bet niya dahil ang favorite nito ay ang mismong aktres.

Umaasa naman ang isang netizen na sana raw ay tama ang kanyang pakiramdam na naglilihi na si Angel.

Ilang buwan na nga namang kasal ang aktres sa negosyanteng si Neil Arce.

Still another netizen posted: “Baka sa susunod, ang itatanong naman ni Angel ay saan masarap isawsaw ang manggang hilaw, sa bagoong o asin? Alam na dis!”

Pero nakalimutan yata ng mga netizen ang sinabi ni Angel na hindi siya maaaring magbuntis¬†¬†hangga’t hindi nagagamot ang kanyang thyroid problem.

Eh, sino ba namang babae ang ayaw magbuntis? Ronnie Carrasco III