Angel, pumayag sa role na lesbian sa HBO Asia!

Angel, pumayag sa role na lesbian sa HBO Asia!

January 14, 2022 @ 10:32 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Gaganap si Angel Locsin na isang lesbyana sa isang serye para sa HBO Asia at isa sa pangunahing makakaeksena n’ya ay si Edu Manzano, na pwedeng sabihing ex-future father-in-law n’ya (dahil dalawang beses naging boyfriend ni Angel si Luis Manzano).

“Call My Agent” ang titulo ng serye na batay sa original French series  na Dix pour cent (Ten Percent) at isa sa mga popular content sa Netflix.

Gayunpaman, ang seryeng magtatampok kina Angel at Edu ay proyekto ng HBO Asia na ang magpo-produce sa Pilipinas ay ang

Reality MM Studios na pag-aari nina Dondon Monteverde at Erik Matti. Si Matti ang magdidirek ng serye.

Tungkol sa entertainment industry ang serye. In fact, parehong talent agents ang papel nina Angel at Edu. Lesbyana ang papel ni Angel, ayon sa isang ulat. Pero hindi naman bading si Edu sa serye.

Sa tunay na buhay, may hayag at di-hayag na mga lesbyanang talent manager sa Pilipinas. May mga direktor din, production executive,  reporters, at ilang artista.

Sa abot ng kaalaman namin, ‘di pa gumanap na lesbian si Angel sa pelikula at telebisyon. Nag-Google kami at wala rin kaming natagpuan.

Sikat ang proyektong ito nina Angel at Edu. Dahil sa involvement dito ng HBO Asia, featured ang proyekto sa Variety nu’ng January 11.

Ayon sa Variety, sa Abril o sa Mayo magsisimula ang proyekto sa Pilipinas. Magkakaroon ang serye ng eight parts.

Wala pang pahayag sina Angel at Edu tungkol sa proyekto. Si Matti ang marami nang tsika sa kanyang Facebook tungkol sa serye.

Lahad ni Direk Matti: “When @dondonmonteverde and I were asked what we want to do for HBO, we were, almost at the same time, thought of remaking this show.

“We have ever since wanted to do a film or series about the movie industry we grew old in. The Mother Lily should have been that if the pandemic did not stop us from doing such a huge undertaking.”

Ang pinapatungkulan n’ya ay ang planned biopic ng Regal Films’ matriarch  na si Lily Monteverde, na mas kilala sa bansag na “Mother Lily.”

Matti said he is looking forward to make a show about what really goes on behind the scenes of the entertainment industry.

Samantala, ayon sa Variety, ang Call My Agent ay iniri-remake na sa

South Korea, Indonesia, the Middle East, Malaysia, at Poland. Danny Vibas