Angel, wapakels sa dyeta; litson, nilantakan!

Angel, wapakels sa dyeta; litson, nilantakan!

August 16, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – On a strict diet nga ba si Angel Locsin para manumbalik ang kanyang dating pangangatawan?

But looks like hindi, if only for her travel escapades with husband Neil Arce and relatives in Segovia, Spain.

Sinamantala nga ng mag-asawa na namnamin ang nasabing tourist destination by scouring the place to their hearts’ content.

Binisita nila ang pamosong cathedral and how the couple marveled at its jaw-dropping architecture.

Siyempre, mawawala ba ang paglilibot sa mga tindahan which sells souvenir items?

Hayun at nag-bazaar raid ang mag-asawa.

Namasyal, siyempre nagutom. Kaya ang next stop nila ay sa isang restaurant doon.

Sobrang famished yata ang aktres na nilantakan niya ang now-popular na cochinillo or roast piglet.

Sinong maysabing nagdyedyeta si Angel? Not when she’s hungry, huh!

Marami nga ang nagsasabing meron namang cochinillo sa Pilipinas, dumayo pa raw talaga ng Segovia, Spain!

Their tour was capped with a visit to the Alcazar de Segovia na dating fortress ng Royal Palace during the 12th century.

Declared by UNESCO as world heritage site in 1985, it houses a museum and a military archives building.

Tulad ng kaibigan niyang si Bea Alonzo, wala bang balak bumili roon ng property si Angel? Ronnie Carrasco III