Angela Morena, may hanash sa halaga ng sex sa relasyon!

Angela Morena, may hanash sa halaga ng sex sa relasyon!

September 30, 2022 @ 10:09 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sexual satisfaction ang tema ng Vivamax Original Movie na Tubero kaya naman may hanash ang isa sa mga bida na si Angela Morena sa halaga ng sex sa isang relationship.

“For me, importante ang sex sa isang couple na may relasyon, pero hindi ‘yun ang dahilan para mangaliwa ka at maghanap ka ng iba.

“But giving yourself ng buo sa partner mo, for me, importante ‘yun,” paliwanag ni Angela.

Para kay Angela, very important na ipaalam sa partner na sexually satiafied ka sa karelasyon.

Bukod dito ay may opinyon din si Angela sa mga mag-jowa na may open relationship, meaning, kahit may relasyon sila ay puwede pa rin silang pumatol sa iba.

“Open relationship? Depende sa usapan niyo ‘yan pero ako, seryoso kasi ako sa pakikipag-relasyon kaya ako, ayoko sa open relationship.

“Marupok ako pagdating sa pag-ibig kaya madali akong magselos, pero kaya ko naman ibigay ang  lahat,” sabi pa niya.

Ang pelikulang Tubero ay isang sexy-romance movie sa direksyon ni Topel Lee. Kasama ni Angela sina Vince Rillon, Alona Navarro,

Jem Milton, Michelle Ngu at JC Tan.

Mapapanood na ang Tubero this October 21, 2022, streaming exclusively sa Vivamax. JP Ignacio