Angela Morena, may kakaibang preparasyon sa love scene!

Angela Morena, may kakaibang preparasyon sa love scene!

April 9, 2022 @ 3:33 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Ibang klase pala ang sexy star na si Angela Morena lalo na kapag may ka-love scene. Kakaiba ang kanyang personal preparation kapag sasabak siya sa maiinit na eksena.

“Siyempre, aside from brushing my teeth and pagpapabango, may ginagawa pa akong ibang klaseng stretching bago ang love scene.

“Squatting! Fifty times! ‘Yan ang routine na ginagawa ko lalo na kapag mahaba and maselan ang love scene namin ng partner ko,” pag-amin ni Angela sa mediacon ng Vivamax series na Iskandal.

Dahil dito ay nadagdagan tuloy ang kaalaman ng kanyang mga co-star sa Iskandal na sina Cindy Miranda, AJ Raval, Ayanna Misola at ang baguhang si Andrea Garcia. Ayon sa kanila ay susubukan din nilang mag-stretching and mag-squatting bago sumabak sa love scene sa kanilang screen partner.

Ayon kay Angela, ang kwento ng Iskandalo ay magsisimula sa pagkamatay ng isang sikat na batang artista na masasangkot sa isang viral sex scandal. ‘Yan daw ang iimbestigahan ng isang determinadong lady cop at madidiskubre na mas malalim ang dahilan ng krimen at ng sex scandal na kasasangkutan ng matataas na tao sa lipunan.

Ang Iskandalo ang isang 10-part series sa direksiyon ng pinakamaangas na direktor ng Vivamax, si Roman Perez Jr.  Joey Sarmiento