Angeli Khang, aminadong hindi madali ang maghubad!

Angeli Khang, aminadong hindi madali ang maghubad!

July 25, 2022 @ 6:50 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Isa si Angeli Khang sa mga Vivamax A listers na talaga namang wagas kung magpakita ng katawan. Maiinit din ang mga love scenes na ginagawa ni Angeli sa kanyang mga movies lalo na sa 6-part series na ‘Wag Mong Agawin ang Akin ni Direk Mac Alejandre. Sobrang hot kasi ng mga eksena nila ng kanyang kapartner na si Felix Roco.

“Aaminin ko po na hindi madaling maghubad, nahihiya pa rin ako kapag naghuhubad pero kapag nandiyan na ang camera and naka-roll na, nilalakasan ko na ang loob ko.

“Sabi nga ni Direk Mac, art ‘yan. If you will look at it the roght way by giving color sa script, e, magiging art ang paghuhubad,” sabi ni Angeli.

Si Angeli ang tinatawag ngayong Queen of Vivamax dahil consistent ang mataas na views ng kanyang mga pelikula at projects. Pero ‘yun naman ang gusto niya dahil pinapalagay niya ang kanyang bawat project na panibagong challenge.

“I want to be challenged every single day?” sabi pa niya.

Streaming na ang seryemg Wag Mong Agawin ang Akin sa Vivamax. JP Ignacio