Angeli Khang, emosyonal kay Direk Mac!

Angeli Khang, emosyonal kay Direk Mac!

September 3, 2022 @ 11:49 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Sa zoom mediacon ay diretsong sinabi ng Vivamax A lister na si Angeli Khang na hindi niya makakalimutan si Direk Mac Alejandre, ang direktor ng online series na ‘Wag Mong Agawin ang Akin.

Down to its last three episodes ay naging emosyunal si Angeli.

“Direk Mac can see my acting through my eyes. Sinabi niya sa akin na kapag na unlock ko raw ‘yung kakayahan ko, I’ll be a very good actress.

“He also told me na everyting, namnamin ko raw, dahil kung tama ang puso, kung tama ang nakikita ko and tama ‘yung nagagawa ko, ‘yun ang fulfillment,” medyo malalim na sabi ni Angeli.

Mukhang ang tinutumbok dito ni Angeli ay ang kanyang pagpapa-sexy, na kung ie-enjoy niya ito at gagawing tama ay makikilala rin siya bilang isang tunay na aktres.

Marami raw natutunan si Angeli kay Direk Mac na kanyang dadalhin sa kanyang journey as an actress.

Anyway, huling tatlong linggo na lang ang itatagal ng adult drama na ‘Wag Mong Agawin ang Akin, currently streaming sa Vivamax.

Kasama rin ni Angeli sa seeye sina Jamilla Obispo, Felix Roco, Aaron Villaflor, Yayo Aguila, Josef Elizalde, and Angelica Cervantes. JP Ignacio