Angeli Khang, emosyonal nang sumugal!

Angeli Khang, emosyonal nang sumugal!

May 2, 2022 @ 11:33 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Naging emotional ang isa sa mga Vivamax sex goddesses na si Angeli Khang nang naalala niya ang kino-consider niyang isang pinakamaling desisyon na nagawa niya sa kanyang buhay.

‘Yun ay nang ‘ipusta’ niya ang oras para sa kanyang pamilya sa probinsiya dahil tinayaan at sinugalan niya ang kanyang career.

Naitanong ito kay Angeli dahil sa latest movie niya na ‘Pusoy’ na isang uri ng sugal.

“Very remarkable sa akon ‘yung iniwan ko muna ang famiily ko sa probinsiya dahil kailangan nga akong mag-focus sa career ko here sa Manila.

“Kaso, dahil sa sugal na ginawa ko, e, may nawala sa aming pamilya,” ang teary-eyed na kwento ni Angeli.

“Hindi ko na lang siguro itutuloy ‘yung kwento ko kasi baka lalo akong maiyak, sorry,” dagdag pa ni Angeli.

Hindi naging malinaw kung ano ang ibig niyang sabihin sa may ‘nawala’ sa kanyang pamilya ngunit hindi na rin siya pinilit pa ng mga taga-media upang maiwasan amg tuluyang paghagulgol ni Angeli.

Kasama ni Angeli sa pelikulang “Pusoy” sina Vince Rillon, Baron Geisler, at Janelle Tee, helmed by Philip Giordano and produced by award-winning director Brillante Mendoza.

“Pusoy” is going to be streamed sa Vivamax on May 27, 2022. JP Ignacio