Angeli Khang, manok ni Direk Mac Alejandre sa pagiging drama princess ng Viva!

Angeli Khang, manok ni Direk Mac Alejandre sa pagiging drama princess ng Viva!

January 21, 2022 @ 11:05 AM 7 months ago


Manila, Philippines – ‘Yun, oh!

Ang beteranong direktor na si Mac Alejandre na mismo ang nagsabi na malaki ang future ng newbie sexy star ng Viva na si Angeli Khang para maging isang magaling na aktres.

“Binanggit ko na sa mga big bosses ng Viva na obserbahan nila si Angeli dahil pwedeng-pwede siyang isabak sa drama. Malaki ang future niya para maging isang magaling na aktres,” papuri pa ni Direk sa tinaguriang Vivamax K-crush sa virtual mediacon sa pelikulang “Silip sa Apoy”.

Dagdag pa ni Direk, totoong-totoo raw ang atake ni Angeli sa kanyang role lalo na at palaban kaya ramdam daw niya na kung mabibigyan ng tamang proyekto ay hindi mahihirapan ang aktres na makasungkit ng acting award. Kasama ni Angeli sa pelikula sina Jela Cuenca, Paolo Gumabao, at Sid Lucero, sa panat ng batikang si Ricky Lee. Ang “Silip sa Apoy” ay palabas na sa Vivamax ngayong January 28. Joey Sarmiento