Angeli Khang, may payo sa kababaihan!

Angeli Khang, may payo sa kababaihan!

January 18, 2023 @ 6:31 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Mukhang inspirado ang Vivamax A-lister na si Angeli Khang na magbigay ng mensahe sa mga kababaihan tungkol sa empowerment lalo’t ang kanyang charavter na ginagampanan sa bagong pelikula na Bela Luna ay isang babaing palaban at walang inuurungan.

Sa panahon kasi ngayon na maraming kababaihan ang sumusuko sa mga challenges ay may mensahe si Angeli.

“Be prepared sa lahat ng challengees of life lalo na kung minsan, nasa ilalim pero kung minsan naman, e, nasa itaas. Hindi naman tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kakayanin. If we are having doubts to yourself, just be who you are and know that you can always do your best,” sabi pa niya.

Mukhang pwedeng-pwede maging inspirational speaker si Angeli.

Anyway, masusubok nga si Angeli sa pelikulang Bela Luna dahil dual character ang kanyang gagampanan. Kwento ito ng dalawang babaeng palaban at walang inuurungan mula sa direksyon ni Mcarthur Alejandre at malikhaing pag-iisip ni Ricky Lee. Mapapanood na ang Bela Luna, streaming exclusively sa Vivamax simula January 27, 2023.

“Ako, kung anoman ang ibibigay sa akin na blessing ni Lord at ng Vivamax, i will just accept it,” sabi niya tungkol sa sunod-sunod na projects niya sa Vivamax. JP Ignacio

Kasama rin ni Angeli sa movie sina Mark Anthony Fernandez, Kiko Estrada, Millen Gal, Julio Diaz, Nicco Manalo, at Francis Mata. JP Ignacio