Angeli Khang, na-pressure sa titulong Vivamax Queen!

Angeli Khang, na-pressure sa titulong Vivamax Queen!

July 2, 2022 @ 12:07 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Ang Viva bosses na mismo ang nagsabi na ang sexy star na si Angeli Khang ang kanilang Vivamax Queen.

Paano ba naman, tatlo sa mga movies ni Angeli ang laging kasama sa top 5 highest views ng sikat na Pinoy movie streaming app namely: “Mahjong Nights,” “Taya,” at “Silip sa Apoy.”

“Yeah, it’s true na nakaka-pressure talaga dahil kapag may bagong project, feeling ko, mas kailangan ko pang higitan ‘yung last na ginawa ko.

“And then kapag may bago akong project na up for streaming na, kinakabahan din ako dahil malaki ang expectation sa akin.

“Pero I’m always doing my best naman sa bawat movie o project na ginagawa ko para walang masabi sa akin ang mga directors saka ‘yung nga taong nagtiwala sa akin,” sabi la ni Angeli.

Sa movie serye na “‘Wag Mong Agawin Ang Akin” ay maraming mga notable at confrontation scenes si Angeli kasama si Jamilla

Obispo. Pasado naman si Angeli sa panlasa ni Direk Mac Alejandre, with flying colors.

Kasama rin sa series sina Felix Rocco, Arron Villaflor, Yayo Aguila, Josef Elizalde, Angelica Cervantes, at Lara Morena. Streaming na ang nasabing series sa July 31, 2022 sa Vivamax. JP Ignacio