Angeli Khang, sinabihang laspag!

Angeli Khang, sinabihang laspag!

October 27, 2022 @ 6:50 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Teary eyes ang Vivamax A Lister nang naikwento niya na nakakatanggap na siya ng maraming pamba-bash lalo na kapag lumalabas ang mga sexy pics niya sa socmed. Nasabihan na raw siyang laspag, lawlaw at malaki ang eyebags.

Kahit enosyunal ay hindi naman natitinag si Angeli at tuloy pa rin ang kanyang ginagawa, ang pagpapa-sexy sa movie.

“Nasabihan na akong laspag, nasabihan na akong lawlaw, nasabihan na akong malaki ang eye-bags. Siyenpre nalukungkot ako du’n pero hindi ko iniiyakan ‘yan. I stand up sa challenge.

“Nagwo-workout ako, natutulog nang matagal para maging laging fresh and as much as possible, pinipilit kong ‘wag magpaapekto sa mga pamba-bash.

“And I know na habang tumatagal, mas marami pa akong bash na makukuha, accepted ko na ‘yun,” sabi ni Angeli.

Sa bagong movie ni Angeli na Selina’s Gold na dinirehe ni Mac Alejandre ay inulan na naman mg papuri ang sexy star. Magaling dito si Angeli at pati si direk ay na-amaze sa kanya.

Marami ang nakapansin na nangungusap ang mga mata ni Angeli pero sinabi ng sexy star na si Direk Mac ang unang nagsabi nito sa kanya.

“Selina’s Gold is especially written for Angeli.

I loove her and I adore her so much. Sobrang galing niya rito,” say pa ni Direk.

Malaki naman ang pinagpapasalamat ni Angeli kay direk Mac dahil inalagaan niya ang aktres. “Direk Mac coaches me and he made me feel comfortable. Easier for me kapag siya ang direktor. Ang dami kong natutunan kay direk. Kaya naman kapag siya ang may gawa ng movie, wala akong inhibitions, malaki ang tiwala ko sa kanya,” sabi ni Angeli.

Kasama rin ni Angeli sa Selena’s Gold si Gold Aceron at Azi Acosta, streaming na sa Vivamax, soon. JP Ignacio