Angeli Khang, tiwalang hindi buntis si AJ Raval!

Angeli Khang, tiwalang hindi buntis si AJ Raval!

July 22, 2022 @ 8:39 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi naiwasang kunan ng reaksyon ang Vivamax Queen na si Angeli Khang sa mediacon ng pelikulang ‘Wag Agawin ang Akin tungkol sa umiigting na isyu ng diumano’y buntis daw ang isa pang Vivamax A lister na si AJ Raval. Magkasama rin kasi sa isang kwadra sina Angeli at AJ sa ilalim ng kanilang talent manager na si Jojo Veloso.

“Wala akong alam na buntis si AJ. It’s just tsismis, don’t believe ervrything you read Nd hear,” sabi pa ni Angeli.

Binanggit pa ni Angeli na ‘yung last time na nagkita sila ni AJ sa set ay hindi naman niya nakitang lumaki ang tummy ng nali-link may Aljur Abrenica.

Sinabi naman ni Angeli na kung sakaling mabuntis siya ay aaminin niya ito at hindi siya matatakot.

“I believe na whatever happens, it happens for a reason and if ever na mabuntis ako, it’s a blessing, I’m not afraid, it’s my life,” sabi pa niya.

As expected ay extremely wild and daring na naman si Angeli sa pelikulang dinirehe ni Mac Alejandre. Matitindi ang love scenes nila ng kanyang leading man na si Felix Roco. Kasama rin sa movie ang hot momma na si Jamila Obispo. Streaming na ang movie sa Vivamax. JP Ignacio