Angelica, ina na!

September 23, 2022 @ 7:38 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Isa nang ganap na ina si Angelica Panganiban.

Sa kanyang post sa Instagram nitong Biyernes, sinabi ng 35 anyos na aktres na nanganak siya noong September 20.

Ipinost niya rin ang mga mata ng sanggol na pinangalanan niyang Amila Sabine Homan.

Saad niya sa post, “Been waiting for you all my life!”

Dinagsa naman ng congratulatory messages ang post ni Angelica mula sa kanyang mga celebrity friends.
Kabilang doon si Camille Prats who posted: “She got your eyes!”
January this year nang inanunsyo ni Angelica that she was dating Subic-based yacht designer Gregg Homan.

Marso nang isapubliko ng aktres ang kanyang pagbubuntis.

Bago rito, iniulat ng Remate Online ang maraming regalong ipinadala ni Kim Chiu para sa baby.

Isa si Kim sa mga ninang ng firstborn nina Angelica at Gregg.

To the Homan couple, congrats! Ronnie Carrasco III