Angelica, magtatago pagkatapos manganak!

Angelica, magtatago pagkatapos manganak!

August 28, 2022 @ 11:24 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Ibinahagi ni Angelica Panganiban sa kanyang YouTube channel ang mga natanggap na regalo sa ginanap na baby shower para sa first baby nila ni Gregg Homan.

Bakas ang kasiyahan ni Angelica habang binubuksan niya ang mga regalo. Nagpasalamat din siya sa dami ng nagmamahal sa baby nila kahit hindi pa ito isinisilang.

Ang mga natanggap niyang regalo ay galing kina Anne Curtis, Judy Ann Santos, Deo Endrinal, ABS CBN executive Cory Vidanes, Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

May tsika siya habang nagbubukas ng regalo. Isa nga sa kuwento niya ay malaki raw ang utang na loob niya kay Sir Deo Endrinal na siyang dahilan kaya niya nakilala si Gregg.

“Hindi ko na yata makakalimutan si Sir Deo dahil kung hindi dahil kay Sir Deo, hindi kami magkikita ni Gregg. Kasi siya ‘yung nagbigay sa akin ng opportunity na gawin ‘yung soap opera na Walang Hanggang Paalam and then, I said ‘yes’.

“Nu`ng nag-yes ako, rito kami sa Subic nag-shoot. Kaya ko nakilala si Gregg sa Subic,” aniya.

Sinabi ni Angelica sa pagtatapos ng kanyang vlog na sobrang exciterd na raw siya sa paglabas ng kanyang baby girl.

“Malapit na malapit na. Ilang linggo na lang ang binibilang at ganap na akong ina,” say ni Angelica.

Hindi raw niya alam kung makikita pa raw natin sila once na nakapanganak na siya dahil busy na sila sa baby.

“Baka lang magpahinga kami. Siyempre kasi, magiging busy kami at magiging iba na talaga ang mga priorities namin,” say pa ni Angelica. Gerry Ocampo