Angelica, matagal nang engaged; proposal video, out na!

Angelica, matagal nang engaged; proposal video, out na!

October 9, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – And what do you know, ipinagbubuntis pa lang ni Angelica Panganiban ang kanyang firstborn ay engaged na siya kay Gregg Homan!

Gregg is the actress’ yacht designer-fiancè who’s based in Subic kung saan doon din sila nagkakilala and ended up as a couple.

Nito lang October 8 lumabas ang video ng actual proposal ni Gregg sa nobya.

Aninado naman si Gregg na four months nang buntis noon si Angelica.

Angelica gave birth to Amila Sabine last September 20.

In the proposal video, Gregg touchingly said na maraming paraan daw para sumaya ang tao, pero si Angelica raw ang kailangan niya.

Hindi na nagpatumpik-tumpik ang aktres who readily said yes!

Pero walang kamuwang-muwang ito na sinet up siya ng nobyo.

Ang eksena kasi ay sa tabing dagat.

All along, Angelica thought na isang simpleng picture-taking lang ‘yon.

Aligaga pa nga ang aktres na nag-aayos ng kanyang sarili without knowing what Gregg was up to.

At ‘yun na nga, inalok na ni Gregg ng kasal ang nobya who proudly flexed her ring.

Isa sa mga excited na tinawagan ni Angelica ay si Glaiza de Castro at ang direktor na si Andoy Ranay.

Now that Amila Sabine was born into the Christian world, halinhinan kung alagaan ito nina Angelica at Gregg.

Inaabangan siyempre ang mga detalye ng kanilang kasal. Ronnie Carrasco III