Angelica, may face reveal sa anak!

Angelica, may face reveal sa anak!

October 21, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa wakas, pinawi na ni Angelica Panganiban ang pananabik ng kanyang mga fans at netizens sa ipinost nyang larawan ng kanyang firstborn.

Eksaktong isang buwan matapos isilang si Baby Amila Sabine ay nasilayan na ang mukha nito sa Instagram.

Si Baby Amila ay anak ng aktres sa nobyong si Gregg Homan.

Makikitang todo-ngiti ang one month-old na baby na nagtataglay ng mga abuhin o gray eyes.

May kalakip itong caption na: “After a month, I’m ready to share me with you!”

Bago rito’y naipost ng Mrs. Homan-to-be ang ilang feeding bottles na naglalaman ng kanyang breast milk.

Inihalintulad pa nga ni Angelica ang breastfeeding sa naranasang labor before giving birth.

At least daw sa pagle-labor ay alam niya kung gaano ito katagal.

Pero sa pagpadede ng kanyang baby ay walang pinipiling oras.

Mas naa-appreciate daw ni Angelica ang mga tulad niyang ina na masakripisyo pagdating sa anak.

Samantala, pagkatapos ng face reveal kay Baby Amila ay ang petsa naman ng altar date nina Angelica at Gregg ang inaabangan.

At siyempre kung sinong celebrities ang kabilang sa wedding entourage. Ronnie Carrasco III