Angelica, may postpartum depression; Juday, to-the-rescue!

Angelica, may postpartum depression; Juday, to-the-rescue!

September 30, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Malakas ang feeling ni Angelica Panganiban that she’s going through postpartum blues.

Ang postpartum blues ay karaniwang dinaranas ng isang ina matapos makapanganak.

It can take a day or two after giving birth and can last up to two weeks.

Ayon mismo kay Angelica, suspetsa nya’y meron siyang postpartum anxiety dahil tatlong oras siyang nag-iiiyak.

Angelica gave birth recently to Amila Sabine by her non-sbowbiz partner Gregg Homan.

Because of her crying spells, mismong si Gregg daw ang nag-suggest na kitain ni Angelica si Judy Ann Santos.

Naging malapit sina Juday at Angelica mula nang magsama sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Kuwento ni Angelica, unang trimester pa lang daw ng kanyang pagbubuntis hanggang makapanganak siya’y inalalayan siya ng misis ni Ryan Agoncillo.

Ganoon na lang ang tiwala ni Angelica na maiibsan ang kanyang postpartum anxiety pag nagkita sila ni Juday.

Remedy raw ‘yon sa kanyang mental health.

True enough, nakatagpo pa si Angelica ng mag-aalaga kay Amila in Juday.

At may bonus pa dahil kasama ring nag-aalaga ang anim na taong gulang na bunso ni Juday na si Luna who gifted the baby with a Minnie Mouse doll.

May mga care packages ding ibinigay si Juday sa kaibigang aktres.

Siyempre, touched naman ang first-time mom sa gesture ni Mrs. Agoncillo. Ronnie Carrasco III