Angelica, may tips sa mga first-time mom!

Angelica, may tips sa mga first-time mom!

November 24, 2022 @ 4:07 PM 2 days ago


Manila, Philippines – Saludo si Angelica Panganiban now that she’s a mother.

Traversing her journey as a first-time mom to Amila Sabine Homan or Baby Bean, ibinahagi ng aktres ang kanyang mga tips on how to breastfeed infants.

Pag alas kuwatro na raw ng umaga at breastfeeding time, it’s best for the mom na magsipilyo na, maghilamos at umihi.

Ikalawa, ilagay daw within reach ng ina ang mga kailangan niya para hindi na tumayo.

These include remote control ng TV at aircon, cellphone, charger, etc.

Third, tanggapin dapat ng ina na walang iba siyang suot sa katawan kundi bra.

“Hayaan mong manawa ang baby kakadede,” paliwanag ng aktres.

Lastly, bago ang breastfeeding time ay dapat kumain nang marami at mabilis ang ina.

But she has to make sure na hindi kumakalansin ang mga kubyertos otherwise magigising ang mahimbing na natutulog na baby.

May pahabol pa si Angelica kapag natutulog ang baby.

Sabayan din daw ng ina ito sa pagtulog.

No doubt, maraming natututunan si Angelica nang isipot niya sa mundo ang produkto ng pagmamahalan nila ni Gregg.

Indeed, motherhood becomes Angelica. Ronnie Carrasco III