Angelica, na-stress sa bakasyon sa States!

Angelica, na-stress sa bakasyon sa States!

December 13, 2021 @ 9:36 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Na-stressed si Angelica Panganiban sa bagong role niya as sex guru sa bagong WeTV series titled “The Kangks Show.”

Nasa US si Angelica nu’ng matanggap niya ang script sa latest project ng box-office director na si Antonette ‘Tonet’ Jadaone.

Nagkaroon daw siya ng  malaking problema dahil hindi niya na-enjoy ‘yung last days ng vacation niya sa States sa kakaisip sa proyekto.

“Ang ganda nga, hanggang nandoon na ako sa realization na, ‘Paano ko ‘to gagawin?  Hindi ko ‘to kayang i-memorize. Lagpas ten pages ‘yung sinasabi nu’ng karakter ko. Tapos hindi naman baklaan. Kung baklaan ‘yun, kaya ko ‘yon. Pero ‘yung doktor ka, matalino ka,  sobrang sensitive nu’ng mga salitang dapat mo’ng bitawan, Aba, kailangan nating magusap, Direk,” tsika ni  Angelica.

Nag-zoom meeting daw sila ni Direk Tonet at pinadalhan siya.ng mga dapat niyang pakinggan to have an idea kung paano ang galawan at pananalita ng isang sex guru.

“Tapos uh, bawas talaga ng bisyo. Tanggal  inom. Naiiyak ako minsan na, ‘Huh?! Uminom kayo kagabi?’ Na ako ang promotor sa ganyan. For the first time wala ako. Hindi mo rin talaga kasi gagawin. Ah, hindi pwede,” diin pa ni Angelica.

Gagampanan ni Angelica ang karakter ni   Doctora Kara Teo na host sa show na  “The Kangks Show” na magsisimula sa December 17, 8pm sa WeTV. Julie Bonifacio