Angelica, nagpa-baby shower, dinaluhan ng piling friends!

Angelica, nagpa-baby shower, dinaluhan ng piling friends!

August 2, 2022 @ 9:09 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Idinaos nitong July 31, Linggo, ni Angelica Panganiban ang baby shower in anticipation of her baby by her non- showbiz boyfriend Gregg Homan.

Dinaluhan ito ng kanyang close showbiz friends na sina Angel Locsin, Anne Curtis at Maxene Magalona.

Maging ang kanyang mga co-stars sa seryeng Call Me Tita na sina Cherry Pie Picache at Agot Isidro ay present din.

In her Instagram post, the 35 year-old expectant mother wrote, “Napaka-overwhelming ng pakiramdam na ganito. Kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit nakakatakot, hindi ka magdadalawang-isip na magbigay lang nang magbigay. Ang sarap ng pakiramdam. Ganito pala ang pagmamahal ng isang ina.”

Matatandaang March nang inanunsyo ni Angelica na nagdadalantao siya.

Nagdiwang sila ni Gregg ng ikalawang anibersaryo nitong July lang.

Magugunita ring Angelica had to back out from a teleserye to give way to another chapter in her life.

Isa si Angelica sa mangilan-ngilang celebrities who speak her mind on important issues lalo na kung may kinalaman sa lipunan.

Now she can’t be any happier as she awaits motherhood.

Minsan nang isiniwalat ng aktres that she grew up with her adoptive parents. Ronnie Carrasco III