Angelica, naloka sa regalo ni Ryan Bang!

Angelica, naloka sa regalo ni Ryan Bang!

August 22, 2022 @ 7:20 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Todo paghahanda na ang ginagawa ng expectant mom na si Angelica Panganiban.

Indeed, she’s raring to deliver her firstborn by Gregg Homan.

Tinawag nilang “Bean” ang baby whose nursery ay nakahanda na.

Pinalilibutan ito ng mga regalo sa ginanap na baby shower.

All expensive stuff ang makikitang pangsalubong sa bundle of joy ng couple.

Pero of all the gifts, pinaka-classic ‘yung galing kay Ryan Bang.

Ano pa kundi ang ineendorso nitong chocolate bar!

Sey ni Ryan to justify his gift, para raw ibaon ‘yon ng anak nina Angelica at Gregg pag pumapasok na ito sa pre-school!

Eh, kelan pa ‘yon? By then, bulok na ang chocolate bar na ‘yon!

For sure naman, nagbibiro lang si Ryan with his gift as he might have something expensive for the baby, too.

Samantala, naka-base na ngayon sa Manila si Angelica para malapit nga naman sa ospital ‘pag nanganak siya. Ronnie Carrasco III