Angelica, naloka sa snake skin sa bakuran!

Angelica, naloka sa snake skin sa bakuran!

December 4, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Mabuti na lang at noong time na nagkakilala si Angelica Panganiban and the man who would be later become the father of her firstborn ay binata ito.

Pinasalamatan na ni Angelica si Cherry Pie Picache na naging instrumento kung bakit nakilala ng aktres si Gregg Homan sa Subic.

Everybody knows that Angelica and Gregg ended up together.

Their romance eventually bore a child, si Amila Sabine.

Good thing, Gregg was a certified bachelor when their paths crossed.

Dahil kung nagkataong may nobya ito ay tiyak na kinunek na ng mga netizens ang nakitang balat ng ahas ni Gregg sa kanilang bakuran.

Ipinost nga ng aktres sa Instagram na hawak niya ang snake skin.

She also posted a video kung saan maririnig ang boses niya as she was asking Gregg kung ano ang ginagawa nito.

Hawak din ni Gregg ang mahabang balat ng ahas sabay sabing: “We live in a forest.”

Ikalawang pagkakataon na raw pala ‘yon na nakakita si Gregg ng snake skin.

Kaya ang caption ni Angelica patungkol sa naturang backyard find: “Tell me you live in a forest without telling me you live in a forest.”

Ayon sa mga netizens, mabuti’t snake skin lang ang nakita ni Gregg, what if kung mismong ahas na ang namataang gumagala sa kanilang bakuran?

Mabuti rin daw na nakapanganak na si Angelica, dahil kung buntis pa’y tiyak na napaanak na ito before her due date. Ronnie Carrasco III