Angelica Panganiban, inalarma ang fans, suko na?

Angelica Panganiban, inalarma ang fans, suko na?

July 26, 2018 @ 10:52 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inalarma ng aktres na si Angelica Panganiban ang kaniyang fans matapos itong mag-post sa social media ng kaniyang litrato na tila nasa ospital noong Martes (July 24).

Nag-post ang aktres sa kaniyang Instagram Stories ng litrato kung saan makikita siyang naka surgical mask na nakahiga sa kama.

Ayon sa mensahe na nasa litrato, “Wala na…Literal I give up. Ayoko na please.”

Screengrab ng Instagram Stories ni Angelica Panganiban noong Martes (July 24).

Hindi ibinahagi ng aktres kung ano na nga ba ang kaniyang kalagayan ngunit ayon sa isang source, mayroon daw umanong lagnat ang aktres.

Kasalukuyang tambak ang aktres sa iba’t ibang proyekto. Mayroon siyang weekly gag show na “Banana Sundae,” bibida rin siya sa upcoming Black Sheep film na “Exes Baggage” at kasalukuyan rin naghahanda para sa release ng teleserye na “Playhouse.”

Kahapon (July 25), tila maayos na ang kalagayan ng aktres dahil nakita sa kaniyang Instagram stories ang kaniyang litrato na nasa salon. (Remate News Team)