Angelica, pinagsabihan sa lumolobong timbang, nasaktan!

Angelica, pinagsabihan sa lumolobong timbang, nasaktan!

August 16, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa guesting ni Angelica Panganiban sa YouTube vlog ng kaibigan na si Camille Prats ay nagbalik-tanaw ang dalawa sa naranasan nila noong mga teenagers pa lang sila.

Sabi nila, kino-call out lagi ang atensiyon nila kapag nadadagdagan ang kanilang timbang. Hindi kasi sila magandang tingnan sa screen, sa show nila noon na Gimik, kasama sina Carlo Aquino, John Prats, at Hearth Evengelista.

Si Camille ang unang nag-bring up ng topic.

Sabi ni Camille, “Grabe din, ‘no? Iba pala talaga ‘yung mga bagay na nire-require ng industriya.

Nag-iyakan daw sila noon ni Angelica nang nakatanggap sila ng notice (sa pamamagitan daw ito ng sulat) para ipaalam na nadagdagan ang kanilang timbang.

Sabi naman ni Angelica, dahil sa pag-gain ng weight, hindi muna siya pinag-taping

“Sis, hindi nila ako pinag-taping, ‘di ba? May isang taping hindi na ako… parang, ‘Pahinga muna siya ngayon…’ Para daw matauhan ako sa katawan ko,” sabi ni Angelica.

Sundot ni Camille, hindi nila iyon lubusang naiintindihan noon.

At dahil sa nature ng kanilang trabaho, ang nagbibigay-saya sa kanila ay ang pagkain.

Pakiramdam ni Angelica ay may mali sa kanya kapag hindi nasiyahan ang ibang tao sa kanyang weight.

Sabi niya, “Medyo masakit ‘yun, ano?  Parang growing up, alam mo may trauma siya, ha.

“Hanggang ngayon parang, like may check-up ako dahil buntis ako. Sasabihin, ‘O, nagi-gain ka ng weight, hindi okay,’ nasasaktan ako…”

Ayon naman kay Camille, naging personal sa kanila ang ganitong pagpuna.

Dagdag ni Angelica: “Yung atake sa akin parang may mali talaga akong ginagawa, pag sinabi sa akin na malaki ako ngayon.

“I take it personally ‘pag sinasabi ‘yun sa akin kasi nga ganoon ako lumaki.

“Tumatak siya sa akin, naging stigma. Na parang may mali ‘pag ‘di mo napi-please ang mga tao. Hindi pasado sa kanila.

“Masakit ‘yun, a,” aniya pa. Rommel Placente