Angelica, pinaiyak ni Juday!

Angelica, pinaiyak ni Juday!

May 23, 2022 @ 2:33 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sigurado raw si Angelica Panganiban na hindi hormones ang nagpaiyak sa kanya nang matanggap ang regalo mula kay Judy Ann Santos.

On her Instagram account, ipinost ng infanticipating actress ang gift ni Juday na “new mama sleep well kit.”

Dito na naging emosyonal ang 35 anyos na aktres dahil aniya, patunay lang ‘yon na mahal siya ng kanyang Ate Juday.

Very practical nga naman ang naturang gift para makatulog naman kahit paano si Angelica in between sa pagbabantay ng anak nila ni Gregg Homan.

Alam naman ng bawat ina na luxury nang matatawag ang tulog kapag may inaalagaang sanggol.

Hindi pa rin talaga nagbabago ang pagkakaibigan ng dalawang aktres.

Their friendship began noong magsama sila sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes under Star Cinema noong 2018.

At hindi pa man, sure nang isa sa mga ninang si Judy Ann.

Samantala, cute ang inihahanda nang room ni Angelica for her baby.

Malamig sa mata ang dating ng under the sea na tema nito, what with its design na may sea creatures. Ronnie Carrasco III