Angeline, dedma sa balitang engaged na!

Angeline, dedma sa balitang engaged na!

July 30, 2022 @ 1:43 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – “Angeline Quinto, engaged na.”

Ito ang nagkakaisang sapantaha ng mga netizen na nakapansin ng singsing sa singer- actress sa daliri nito.

Proud kasing ipinost ni Angeline ang mga larawang kuha sa bakasyon nila ng nobyo at anak sa Lost Villa Resort sa Quezon.

Abot tenga ang ngiti ni Nonrev Daquina habang karga ang anak nilang si Baby Sylvio.

Inulan si Angeline ng mga tanong mula sa mga netizen kung nag-propose na ba ang nobyo base sa suot nitong singsing.

Pero sa dinami-dami ng mga tanong, ni isa’y walang sinagot ang singer.

Matatandaang December last year nang inamin ni Angeline that she was heavy wirh a child.

April nang isilang niya si Baby Sylvio.

Samantala, hindi naman itinanggi ni Nonrev na may nauna siyang tatlong anak na babae from a previous relationship.

Looking forward si Angeline na makilala ang mga ito para makita rin nila ang kanilang kapatid sa ama.

Inaasahang anytime soon ay iaanunsyo ni Angeline ang kanilang kasal ni Nonrev now that they’re apparently engaged. Ronnie Carrasco III