Angeline, kayod-marino sa trabaho, ama ng dinadala, maliit ang sahod!

Angeline, kayod-marino sa trabaho, ama ng dinadala, maliit ang sahod!

December 31, 2021 @ 2:07 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Pinasok na rin ni Angeline Quinto ang online selling. Her merchandise includes her pre-loved items.

Patok ito in the sense na so far, it has generated 4.4 million views. Mukhang mataas din ang sales na pumapasok sa kanya.

Maitatanong lang: why is Angeline into this?

Obviously, malaking tulong ang raket niyang ito in preparation sa kanyang panganganak April next year.

Hindi rin ikinakaila ni Angeline na P27,000 lang ang monthly income ng misteryosong ama ng baby na dinadala niya, kulang na kulang lalo pa’t balitang may tatlo pa itong anak.

Also to make both ends meet, tumutulong na rin si Angeline sa pagbebenta ng tickets sa kanyang concert.

Good thing, her efforts are paying off.

In her IG story, nai-post niya ang mga umaapaw niyang biyaya na ipinagpapasalamat niya sa Itaas. Ronnie Carrasco III