Angeline, pinaratangang pedophile!

Angeline, pinaratangang pedophile!

May 10, 2022 @ 4:33 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa wakas ay hindi na itinago ni Angeline Quinto ang ama ng kanyang baby.

Sa social media account ng singer-actress ay nag-post ito ng larawan nilang  dalawa.

Makikitang nakaakbay ang lalaki habang karga-karga naman niya si Baby Sylvio.

Buong-buo ang nakangiting picture ng kanyang boyfriend na mukhang totoy na totoy.

Taglay ng guy ang youthful look nito kahit meron na rin itong anak sa ibang babae.

Dahil nga sa mukhang totoy ng hitsura nito kung kaya’t napaparatangang cradle snatcher o pedophile ang singer.

Matatandaang as soon na malaman ng nobyo na nagdadalantao ang nobya ay ito na rin ang nagpasyang mag-live in sila para mabantayan niya ito hanggang makapanganak.

Kinuha naman ni Angeline ang pangalan ng anak mula sa yumao niyang adoptive mother na si Sylvia na Mommy Bob niya kung tawagin.

Balitang isa sa mga tatayong ninong ng bata ay si Vice Ganda na very close kay Angeline. Ronnie Carrasco III