Angeline, ‘pumutok ang panubigan’ sa prank! 

Angeline, ‘pumutok ang panubigan’ sa prank! 

April 6, 2022 @ 2:33 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Hindi lang pala isang mahusay na mang-aawit si Angeline Quinto, magaling din siyang aktres.

Nakiuso rin kasi sa paggu-good time ng tao si Angeline nitong nakaraang April Fools’ Day.

Ang siste, napili niyang i-prank ang ama ng iluluwal niyang sanggol, pinsan at kasambahay.

Naganap ito sa mismong condo unit niya.

Nag-set up pa si Angeline ng camera para i-capture ang isinagawa niyang drama.

Binuhusan niya ng tubig ang kanyang pajama para palabasing pumutok ang panubigan niya.

Confident na mapapaniwala niya ang tatlo dahil kabuwanan naman niya.

Nang makita raw ito ng tatlo ay nataranta sila at aligagang nag-impake ng mga gamit na dadalhin sa ospital.

In the middle of the rush ay pinatigil sila ni Angeline who announced na prank lang ‘yon.

The singer is due this month. Isang baby boy ang inaasahan nila ng kanyang non- showbiz boyfriend. Ronnie Carrasco III