Angeline Quinto, limang buwang buntis, baby boy ang nasa sinapupunan!

Angeline Quinto, limang buwang buntis, baby boy ang nasa sinapupunan!

December 9, 2021 @ 3:46 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Totoo ang suspetsa na buntis ang Kapamilya star na si Angeline Quinto.

Limang buwan na ang nasa sinapupunan n’ya. At alam na n’ya na lalake ang sanggol na isisilang n’ya.

Ang lahat ng ito ay lahad ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

Ayon kay Ogie, five months pregnant si Angge and expecting a baby boy.

Kuwento ng vlogger-talent manager: “Kasi may common friend kami ni Angeline na nag-chika sa akin na five months nang preggy at lalaki ang first baby. Yehey.”

Nag-react ang co-host n’yang si Mama Loi na sana nga ay totoo na ang balitang ‘yan.

Pakli ni Ogie: “Anong sana totoo? Totoo nga! Totoo!”

Nu’ng nakaraang buwan pa kumalat ang suspetsang buntis ang sikat na singer.

Mas umigting pa ang usap-usapan nu’ng may lumabas na Tiktok clip na ipinapakita ang teleprompter sa isang taping ni Angeline para sa online concert series n’yang “10Q.”

Ang nakalagay sa screen ng teleprompter ay magkukwento siya tungkol sa pagdadalantao n’ya.

May instruction din na ipakita n’ya ang baby bump n’ya at ang pregnancy kit.

Wala pang kumpirmasyon si Angeline sa vlog report ni Ogie. Pero pinangangatawanan ni Ogie na totoo ang balita n’ya.

Pero ilang buwan na rin naman ang nakalipas mula nu’ng aminin ni Angeline na may boyfriend siyang ‘di taga-showbiz. Nu’ng nakaraang taon pa raw sila nagsimulang magkamabutihan.

Kung parang inililihim pa ni Angeline ang kalagayan n’ya, posibleng may mga kontrata siyang napirmahan na nagsasabing ‘di siya pwedeng magdalantao habang epektibo pa ang kontrata n’ya. Danny Vibas